TV

Aljur Abrenica on Prinsesa ng Buhay Ko: 'Nagpapasalamat ako sa GMA 7 na nagtitiwala pa rin sila sa amin ni Kris.'


Malapit na ipalabas ang Prinsesa ng Buhay Ko kung saan makakasama muli ni Aljur Abrenica si Kris Bernal. GMANetwork.com sat down with him for this exclusive interview.

“This our 11th project together, imagine mo iyon,” he enthused after knowing that he’ll be paired again with Kris Bernal.

Bibigyang buhay ni Aljur ang karakter ni Nick, anak sa labas ng isang real estate magnate. “Illegitimate son, bastardo siya na merong childhood sweet heart, si Kris Bernal. Nagkahiwalay sila nu’ng bata. After ten years, nagkita sila ulit. Du’n magstart iyong story.”

According to him, “Itong character ko ang objective niya lang naman is maramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang magulang.“

“Mabigat lagi ang dinadala [niya] na hindi nilalabas, pero sobra siyang mapagmahal na anak sa mga magulang niya. Naghihintay lang siya ng pagkakataon at hinihintay niya ang panahon na matatanggap siya ng tatay niya,” ang kuwento niya tungkol sa katauhan ni Nick.

What are his preparations for this role?

"Nagworkshop kami. Marami kaming workshops from different teachers then the rest sa amin na ‘yun. ‘Yung experiences sa taping mas lalo mong nakikilala ang karakter mo. It takes time bago mo makuha ‘yung karakter.”

Dagdag pa niya, “Nandiyan ang direktor kung paano niya imomold ‘yung karakter mo habang tumatakbo ang istorya. Kasi meron akong sariling [atake], meron din siya so it takes time. ‘Yun ‘yung mga preparations.”

Kabilang din sa cast sina Carmi Martin, Emilio Garcia, Jan Manual, Ping Medina, Maritoni Fernandez at marami pang iba. Ano naman ang masasabi niya working with them?

“It’s a privilege working with these veteran actors. It’s a great opportunity to learn sa acting skills nila kung paano maging natural as much as possible, pagdating sa pag-arte,” he says.

Sa set naman, “Masaya, nag-aasaran kami , walang napipikon. Nakatrabaho ko na kasi halos lahat. Masaya, magaan silang katrabaho at marami akong natutunan sa kanila,” kuwento niya.

Nananatili ang pagiging humble ni Aljur kahit malayo na ang kanyang narating. “Lagi ako nagpapasalamat kay Lord. Nagpapasalamat din ako sa GMA 7 na nagtitiwala pa rin sila sa amin ni Kris [Bernal]”. Sa pagtatapos ng aming interview, nagiwan si Aljur ng mensahe para sa kanyang mga fans, “Nagpapasalamat din ako sa mga fans para sa patuloy na pagsuporta nila throughout the years.”

Catch Aljur Abrenica in ‘Prinsesa ng Buhay Ko’, bago mag-24 oras. Also, don’t miss his performances in ‘Sunday All Stars’ only on GMA. Log on to www. GMANetwork.com for more updates on Aljur and your favorite Kapuso shows and stars. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.