
Malaki ang pasasalamat ng Pambansang Ginoo na si David Licauco sa pagkakasama niya sa upcoming historical drama series na Pulang Araw. Magandang pagkakataon daw ito para maipakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
"'Yan yung pinaghihirapan ko the past year. [I'm] super happy na nabigyan ako ng ganitong opportunity to showcase my talent, hopefully," sabi ni David sa interview niya para sa One North Central Luzon ng GMA Regional TV.
Dagdag pa niya, “Hopefully, nagbunga, sana ma-appreciate ng mga tao. Ako naman, talagang ginagawa ko lang 'yung trabaho ko, just doing my best para sa craft, para sa teleserye dahil maraming matututunan 'yung mga Pilipino dito."
Lubos din ang pasasalamat niya na naging parte siya ng cast dahil rin sa tema mismo ng serye.
“I think 'yung pinakaimportante na tina-tackle namin dito is kung gaano kalaking sakripisyo 'yung ginawa ng mga Filipinos noon, na kung paano tayo merong ganitong freedom,” sabi niya.
Pagpapatuloy ng aktor, “'Yun 'yung pinakagusto ko talagang mapanood ng mga Pilipino through Pulang Araw.”
TINGNAN ANG BUONG CAST NG 'PULANG ARAW' SA ENGRANDENG MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kamakailan lang ay nakatanggap si David ng samu't saring papuri mula sa netizens at fans para sa kaniyang emotional performance sa tribute video para sa nasabing serye.
Sa video, makikita si David na nakaupo sa isang madilim na silid at tila nakagapos ang mga kamay sa likod. Dito, tumutula ang Pambansang Ginoo tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao.
Makakasama ni David sa serye sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Alden Richards, at si Dennis Trillo sa isang natatanging pagganap.
Abangan ang Pulang Araw, July 29, sa GMA Prime.