
Pinuri ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang Pambansang Ginoo na si David Licauco dahil sa husay na ipinakita nito sa kanilang serye na Pulang Araw.
Binibigyang buhay ni Alden Richards ang karakter ni Eduardo Dela Cruz na isang Filipino-American na lalaban sa mga mananakop na Hapones habang si David naman ay gumaganap bilang si Hiroshi Tanaka na anak ng Japanese immigrants sa Pilipinas.
Sa serye, magiging magkaibigan sina Eduardo at Hiroshi kasama sina Adelina Dela Cruz at Teresita Borromeo na ginagampanan naman nina Barbie Forteza at Sanya Lopez.
Sa isang panayam sa 24 Oras, matatandaan na sinabi ni David Licauco na na-intimidate siya kay Alden Richards sa unang eksena nila sa Pulang Araw.
Aniya, “I think 'yung very first scene with him I got intimidated, but I just told myself na, like, 'You are here for a reason, you worked hard for this, so why would you get nervous,' you know?”
Kuwento pa noon ni David Licauco, “'Yung scene ko with Alden, I think 'yun 'yung pinakamahirap na eksenang ginawa ko in my life dahil roller coaster of emotions e, from happy to sad to getting mad and then eventually parang accepting defeat, you know? So, ang dami talagang layers nung acting na 'yun.”
Sa panayam naman kay Alden Richards ni Nelson Canlas, sinabi nito na bumilib din siya kay David dahil sa mahusay na pagganap nito sa kaniyang karakter.
“Si David, ito talaga parang siguro sa aming lahat, si David 'yung pinakamalaki ang tinalon in terms of performance, in terms of portraying his character,” ani Alden tungkol kay David.
Dagdag pa ni Alden, “'Yun 'yung masarap sa pakiramdam na lahat kami nagwo-work e, lahat kami nagta-trabaho. So, with his performance, and kapag nakakatrabaho ko siya, dumadating nang prepared.”
Samantala, trending topic naman sa social media ang Pulang Araw mula nang ipalabas ito sa streaming platform na Netflix at ang world TV premiere nito sa GMA.
Subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference