GMA Logo Julie Anne San Jose
What's on TV

Julie Anne San Jose talks about her experience in 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published July 31, 2024 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Si Julie Anne San Jose ang gumanap bilang 'Queen of Bodabil' Katy Dela Cruz sa 'Pulang Araw.'

Napanood na sa ikalawang episode ng hit family drama series ng GMA na Pulang Araw si Asia's Limitless Star at The Voice Kids coach Julie Anne San Jose.

Binigyang buhay dito ni Julie ang karakter ni Katy Dela Cruz na tinaguriang “Queen of Bodabil and Jazz” sa Pilipinas noong 1940s.

Ayon kay Julie, masaya siya na mapabilang muli sa isang maipagmamalaking serye ng GMA. Matatandaan na si Julie ang gumanap bilang si Maria Clara sa award-winning historical-portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Aniya, “Sobrang saya po na napabilang po ako muli sa proyektong ganito coming from Maria Clara at Ibarra na napakalaking project ng GMA.”

Dagdag pa ni Julie, sigurado siyang maraming matututunan ang Filipino audience sa panonood ng Pulang Araw.

“Again, nandito na po tayo sa Pulang Araw so we're all very very excited about this project and for sure na maraming matututunan ang ating viewers, ang ating supporters, ang mga audince natin hindi lang history but also sa entertainment no'ng unang panahon,” ani Julie.

Ang Pulang Araw ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo na gaganap bilang kontrabida sa kauna-unahang pagkakataon.

Mainit naman ang naging pagtanggap ng maraming manonood sa Pulang Araw mapa-free TV man at online.

Nananatiling trending topic ngayon sa social media ang cast, magandang produksyon at storyline ng serye simula nang ipalabas ito sa Netflix at sa world TV premiere nito sa GMA noong Lunes, July 29.

Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference