What's on TV

Barbie Forteza's birthday wish: 'Mag-number 1 palagi ang 'Pulang Araw''

By Jimboy Napoles
Published August 1, 2024 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Idinaos ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza ang kaniyang 27th birthday sa set ng serye.

Idinaos ni Barbie Forteza ang kaniyang 27th birthday sa taping ng hit GMA series na Pulang Araw kahapon, July 31.

Sa kaniyang kaarawan, naghanda ng maraming pagkain ang Kapuso Primetime Princess para pagsaluhan nila ng kanyang co-stars at buong production team ng serye.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Sa TikTok video ng isa sa stylist at make-up artist ni Barbie, makikta naman ang paghahandog nila ng birthday cake sa aktres.

Bago hipan ang birthday candle, isinigaw ng aktres ang kanyang birthday wish.

“Sana mag-number one palagi ang Pulang Araw sa Netflix at GMA Prime,” masayang sigaw ni Barbie habang tutumalon pa.

@nathanhmua Happy Birthday mi @Barbie Forteza #barbieforteza #birthdaygirl ♬ original sound - nathanhmua

Samantala, sa interview naman ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabi ni Barbie na nagpapasalamat siya sa magagandang komento ng mga tao para sa Pulang Araw na talagang pinagpaguran ng buong produksyon.

“Talagang nakakawala po ng pagod at hirap at talagang buong team po ng Pulang Araw, lahat po ng ito ay talagang team effort at paghihirap po ng bawat isa sa'min kaya maraming maraming salamat po,” ani Barbie.

Sa kaniyang 27th birthday, grateful ang aktres sa lahat ng blessings na dumarating sa kaniya. Aniya, “Kalabisan na kung hihiling pa ko dahil ibinigay na sa akin lahat ng mabubuting bagay, mabuting kalusugan sa akin at sa pamilya ko, successful operation ng tatay ko, and everything went smoothly.”

Dagdag pa niya, “Nung nagdaang bagyo, ako'y lubos na nagpapasalamat na kami ng pamilya ko ay nanatiling ligtas. Patuloy ang aking trabaho at patuloy ang napakaraming opportunities for me, maraming proyekto, kaya sabi ko walang hanggang pasasalamat na lamang.”

Binibigyang-buhay ni Barbie sa Pulang Araw ang karakter ni Adelina Dela Cruz, ang kapatid ni Eduardo Dela Cruz na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Kabilang din sa serye sina Sanya Lopez, David Licauco at ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.

Sa ngayon, nananatiling trending topic sa social media ang Pulang Araw.

Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Barbie Forteza is a cabaret girl in birthday photoshoot