
Itinuturing na love letter ng direktor na si Dominic Zapata para sa mga Pilipino ang hit GMA series na Pulang Araw.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Direk Dom, sinabi niya na inspirasyon ng Pulang Araw ang kuwento ng mga Pilipino noon na namuhay sa panahon ng giyera at pananakop ng mga Hapones.
Ayon kay Direk Dom, masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil sa mensaheng gustong iparating nito sa mga Pilipino.
Aniya, “I'm glad not because gusto nating magpasikat or gusto nating magyabang. It's so far from that. I think I've been very very very passionate about this show and I'll say it all the time.
“I'm very emotional about the show because there's a need to tell our story, our parents' story, our grandparents' story and kung maganda 'yung response, that kind of gives me not really a guarantee but a bit more of assurance na mas marami tayong naaabot na mga taong gusto nating mapagkuwentuhan ng story.”
Nagpapasalamat din ang batikang direktor sa GMA Network dahil sa pagiging matapang nito na gawin ang Pulang Araw.
“So I think it was so generous of GMA to allow us to do this and to be able to do it the right way because it's no joke to do a show like this and no I'm not talking about 'yung efforts ko o ng efforts ng team pero just to green-light the project it's such a big deal. So I know I'm on the right network,” ani Direk Dom.
Paglalahad pa ng direktor, ang Pulang Araw ay nagsisilbing love letter para sa mga Pilipino na dumanas ng hirap noon sa kamay ng mga mananakop.
“I invite you to watch it because this is our network's love letter to the Filipinos and also to our parents, 'yung mga nauna sa atin, 'yung may mga pinagdaanan noon. Panoorin n'yo lang kasi just by watching it nakapag-contribute na kayo doon sa love letter kasi in-absorb n'yo na 'yung istorya,” anang direktor.
Para kay Direk Dom, hindi mamamatay ang kuwento ng mga sinaunang Pilipino at maipapasa pa ito sa mga susunod pang henerasyon dahil sa pagpapalabas ng Pulang Araw.
Aniya, “I want it to keep it in your heart so that when the time comes if you become parents na rin, pakipasa 'yung istorya para alam ng mga kababayan natin no matter far down the line na sila, kung mga apo na sila, alam nila kung sino tayo as people.
“Alam nila kung ano ang ibig sabihin ng puso when we talk about puso this is not just about yung giting natin kapag lumalaban, we're so much more than that, puso is about forgiveness sa mga hapon, forgiveness to each other, 'yung tapang natin, 'yung love natin for each other, 'yung care natin sa family. Filipino is so unique and you'll see it here sa Pulang Araw.”
Ang kuwento ng Pulang Araw ay iikot sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones kabilang ang Japenese Imperial Army officer na si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).
Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.
Subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: Pulang Araw: Ang mga unang larawan