GMA Logo Barbie Forteza
What's on TV

Barbie Forteza admits 'Bodabil' is the most challenging part for her in 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published August 1, 2024 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza on 'Bodabil:' “It was quite intimidating for me kasi hindi ko siya alam totally.”

Inamin ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na ang kaniyang role sa Pulang Araw ang talagang nagpalabas sa kaniya sa kaniyang comfort zone bilang aktres.

Sa nasabing serye, binibigyang buhay ni Barbie ang karakter ni Adelina Dela Cruz na isang Pilipina na magiging isang Bodabil performer sa panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na Hapones sa bansa noong 1940s.

Sa GMA Integrated News Interviews, inilahad ni Barbie ang ginawa niyang paghahanda para sa nasabing role.

Aniya, “Dahil malaking parte ng character ko ang pagiging Vaudeville actress, together with Sanya, kinailangan naming mag-tap dance class. Ako 'yung magbibigay aliw sa mga tao, sa mga Pilipino, sa mga Hapon, pagdating ng giyera.”

Ayon kay Barbie, malaking bahagi ng kuwento ng Pulang Araw ay ang pagpapakita ng paraan ng entertainment noon, ito ay ang Vaudeville o Bodabil.

“So, core story din siya. So. 'yun 'yung dalawang malaking kuwento ng Pulang Araw. Isang tungkol sa giyera at isang entertainment which is 'yung Vaudeville industry,” ani Barbie.

Dagdag pa ng aktres, “Kinailangan ko talaga siyang araling mabuti, intindihin na hindi lang ako basta-basta sumasayaw na parang hindi lang 'to basta performance e. It's more of making people forget na nasa giyera tayo.”

Aminado rin si Barbie na ito ang pinaka-challenging sa kaniyang role, dahil kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral ng sayaw, pagkanta, at ang pag-arte.

Kuwento niya, “It was quite intimidating for me kasi hindi ko siya alam totally. You have to be one with the music tapos kusa nang gagalaw 'yung mga paa mo. I'd like to think na mas komportable na akong gawin siya unlike before. Maganda rin 'yun kasi mas kaya ko nang sabayan ng pag-arte 'yung pagsayaw kasi nakaka-rattle 'yun. Isipin mo ime-memorize mo 'yung choreography tapos aarte ka pa, 'di ba ang hirap, ta's kakanta ka pa so sobrang hirap.”

Dahil sa tuloy-tuloy nilang pag-aaral ng tap dance, mas komportable na raw ngayon si Barbie sa kaniyang pagsasayaw habang umaarte.

“So ngayon na mas komportable na akong mag-tap dance, mas nakakaya ko nang pagsabay-sabayin, umarte, kumanta, sumayaw, all at the same time.

“Pero I have to admit 'yun 'yung pinaka-challenging part sa akin sa show na 'to, 'yung performance na 'yun kapag nagbo-bodabil ako, kasi nagta-tap dance ako, kumakanta ako, umaarte ako,” paglalahad ng aktres.

Kasama ni Barbie Forteza sa Pulang Araw sina Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.

Sa ngayon, nananatiling trending topic sa social media ang Pulang Araw simula nang ipalabas ito sa GMA Prime at sa online streaming platform na Netflix.

Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Barbie Forteza is a cabaret girl in birthday photoshoot