What's on TV

Dennis Trillo, dream role ang karakter sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published August 22, 2024 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo in pulang araw


Matapos ang ilang taon, nakuha na rin ni Dennis Trillo ang pinapangarap niyang role sa 'Pulang Araw'

Dream role daw ni Dennis Trillo si Lt. Col. Yuta Saitoh, ang karakter na ginagampanan niya ngayon sa hit historical series na Pulang Araw. Ito ay dahil sa mahigit 20 years niya sa showbiz ay hindi pa siya gumaganap bilang isang kontrabida.

Sa panayam niya kay Aubrey Carampel sa "GMA Integrated News Interview" para sa 24 Oras, sinabi ni Kapuso Drama King kung gaano siya nagpapasalamat na napunta sa kaniya ang naturang role.

“Ito talaga 'yung seryoso na villain na talagang masama na kontrabida na kaiinisan mo. Matagal ko na talagang gustong gumawa ng ganitong klaseng role at maraming salamat at napunta sa 'kin 'tong role na 'to. Isa itong dream role para sa'kin,” sabi ng aktor.

Dahil dito, nagbigay ng extra effort si Dennis para magampanan nang maayos ang kaniyang role at makumbinsi ang mga manonood na totoong Hapon ang kaniyang karakter.

“Gusto ko, walang makitang bahid nu'ng mga characters na ginawa ko. As much as possible, 'pag nagtatagalog 'yung character ko dito, ginagawa kong barok, kung papaano magtagalog 'yung isang hapon,” sabi ni Dennis.

Dagdag pa ng Kapuso Drama King ay gusto niyang iiwas ang karakter ni Yuta Saitoh sa huling karakter na ginampanan niya na si Crisostomo Ibarra pagdating sa pagsasalita ng tagalog.

BALIKAN ANG NOTABLE TELEVISION ROLES NI DENNIS TRILLO SA GALLERY NA ITO:

Dahil Japanese occupation era ang setting ng kanilang serye, kung saan kinatatakutan ang mga sundalong Hapon, aminado si Dennis na naging malaking hamon para sa kaniya ang ipakita ang sukdulan na kasamaan ng kaniyang karakter.

Ngunit bukod umano sa magandang setting at nakakukumbinsing mga karakter, mas importante pa rin ang hatid na mensahe ng Pulang Araw.

“Dito naman sa palabas na 'to, ikinukuwento lang namin 'yung mga karanasan ng ibang tao, kung ano 'yung nangyari nu'ng panahon na 'yun, kung ano 'yung pinagdaanan ng mga Pilipino, at sino 'yung mga bayani na dapat nating kilalanin ng mga panahon na 'yun,” sabi ni Dennis.

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa paggawa ng serye, ang sagot ng aktor, “Natutunan ko na mas maging proud sa lahi natin knowing kung ano 'yung mga pinagdaanan nila, mga pinaghirapan nila, sakripisyo, 'yun siguro.”

“'Pag napanood mo 'to, magiging proud ka du'n sa mga ginawa ng Pilipino at magiging proud ka na isa kang Pilipino,” pagtatapos ni Dennis.