GMA Logo Sanya Lopez
Source: sanyalopez/IG
What's on TV

Sanya Lopez, may mensahe sa fans ng 'Pulang Araw' na galit ngayon sa kaniya

By Kristian Eric Javier
Published August 27, 2024 2:55 PM PHT
Updated August 27, 2024 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hidilyn Diaz, Gilas Pilipinas fly to Thailand for 2025 SEA Games
MRT-3, LRT-2, and LRT-1 roll out free rides to different sectors
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Alamin ang mensahe ni Sanya Lopez sa fans ng 'Pulang Araw' na galit ngayon sa karakter niyang si Teresita.

Hindi pa tapos ang birthday celebration ng Pulang Araw star na si Sanya Lopez dahil kamakailan lang ay sinorpresa siya ng kaniyang fans ng isang mala-debut na birthday party. Bukod kasi sa 18 roses at dance, meron din siyang natanggap na 18 wishes mula sa kanila.

Sa panayam niya kay Nelson Canlas sa 24 Oras, ipinahayag ni Sanya kung gaano siya kasaya sa natanggap na birthday party. Kuwento pa niya ay hindi siya handa para sa naturang selebrasyon.

“Grabe, super happy talaga ako kasi hindi ko in-expect. Kasi ang sabi sa'kin, may meeting ako. Tapos sabi ko, 'Ha? May meeting? Sino ba ang ka-meeting?' Sobrang na-surprise ako, hindi naman ako ready,” sabi ni Sanya.

Pag-amin ni Sanya ay bago ito para sa kaniya, lalo na at hindi naman niya naranasan magkaroon ng debut party.

“Ang cute lang kasi bago ito sa'kin, hindi ako nag-debut ever sa lahat ng naging mga birthday ko. Actually, 'pag mahal ka ng lahat ng mga sumusuporta sa'yo e walang edad-edad 'yan. Kung gusto ka nilang i-surprise, isu-surprise ka nila,” sabi ng aktres.

Sa kaniyang Instagram post ay pinasalamatan rin ni Sanya ang kaniyang Sanya Warriors para sa masayang surprise party na ginawa nila para sa kaniya.

“Ang masasabi ko lang, that yesterday is one of the best birthdays of my life. Huli man ako nag-debut, ngunit ipinaramdam n'yo sa'kin maging 18 ulit,” caption ni Sanya sa post.

“Naisayaw at nakasama ko 'yung mga taong mahal ko at mahal ako. Your love and support always melt my heart. Thank you for being my constant source of strength and happiness!” pagtatapos ng aktres.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Nagdiwang ng kaniyang 28th birthday ang First Lady of Primetime noong August 9 kung saan nag-celebrate siya sa taping ng kanilang hit historical series. Nagpunta rin kamakailan si Sanya sa Bali, Indonesia kasama ang pamilya bilang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

BALIKAN ANG ULTIMATE HOT BABE PHOTOS NI SANYA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ni Sanya sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang historical series na Pulang Araw.

Kamakailan lang ay pinagkasundo na si Teresita, na ginagampanan ni Sanya, at si Hiroshi na ginagampanan ni David Licauco para ikasal. Dahil dito ay nagkakaroon ng samaan ng loob sina Teresita at Adelina na ginagampanan naman ni Barbie Forteza. Pag-amin ng aktres, marami na ang nagagalit sa kaniyang karakter dahil dito.

Kaya naman, mensahe si Sanya sa kanilang fans, “Merong iba na galit sa akin dahil bakit ko [raw] inaaway si Adelina. Bakit nga ba, sa tingin n'yo? Pero may rason naman kasi si Teresita. Sa ngayon ay galit sa'kin dahil inaaway ko raw si Adelina at pinaglalayo ko raw sila ni Hiroshi, ay naku, manood lang po kayo ng 'Pulang Araw' ng malaman n'yo.”

Ngayon na sumiklab na ang digmaan ng Pearl Harbor sa Pulang Araw, matuloy kaya ang kasal nina Teresita at Hiroshi? Ang sagot ni Sanya, “Abangan!”

Panoorin ang buong interview ni Sanya rito: