
Marami na namang napahanga si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanyang pagganap sa GMA Prime series na Pulang Araw.
Muli siyang nagpamalas ng isa na namang natatanging pagganap bilang Eduardo na halos mabaliw nang malaman ang sinapit ni Teresita (Sanya Lopez).
Malalaman kasi ni Eduardo mula sa kapatid niyang si Adelina (Barbie Forteza) na dinakip ng mga Hapon ang babaeng minamahal niya.
Hindi magkamayaw si Eduardo at tila mawawala sa sarli nang matanggap ang masamang balita.
Dahil sa kanyang husay sa mabigat na eksenang ito, maraming natanggap na papuri si Alden Richards mula sa mga manonood.
"No one can pull off Eduardo's character better than the incomparable Mr. Alden Richards," sulat ng ALDENatics Quezon City.
"Ladies and gentlemen...
You're no longer watching ALDEN RICHARDS.
Ipinagmamalaki naming ipakilala sa inyong lahat si...
EDUARDO DELA CRUZ!!! 😏
NAKALIMUTAN na naming ikaw si ALDEN!!!
TUNAY NA NAPAKAHUSAY MO!!!" ayon naman sa ALDEN TrendSetter.
Umaasa ang maraming netizens na makakatanggap si Alden Richards ng award para sa kanyang pagganap.
Ayon naman sa iba, tila bagay rin kay Alden Richards na magkaroon ng kontrabida role.
Ayon kay Alden Richards, isa raw ang eksenang ito sa pinakamahirap na ginawa niya para sa serye.
"For Pulang Araw, that's one of the most demanding scenes that I have done. Nangyari 'yun kasi the character of Eduardo has so much love for Teresita. Minahal niya kagaya ng pagmamahal niya sa kanyang ina at kay Adelina at minahal niya nang buong buo, inalagaan, pinrotektahan, and yet doon siya napunta. I think that's where the motivation of Eduardo is coming from, bakit ganoon siya ka-devastated upon hearing the news," paliwanag ni Alden.
Panoorin ang buong eksena ni Alden Richards bilang Eduardo na naghihinagpis sa sinapit ni Teresita dito:
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. Maaari din itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay ng Pulang Araw sa GTV, 9:40 p.m.