What's on TV

Sanya Lopez, totoong takot ang naramdaman sa isang eksena sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published October 25, 2024 1:49 PM PHT
Updated October 26, 2024 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Hindi umano makayanan ni Sanya Lopez na mahawakan siya ni Dennis Trillo matapos ang isang eksena. Bakit kaya?

Totoong takot umano ang naramdaman ni First Lady of Primetime Sanya Lopez sa mga eksena niya bilang isa sa comfort women sa hit historical drama na Pulang Araw. Sabi pa ng aktres, dahil sa takot niya ay tila ayaw niyang mahawakan man lang siya ng co-star na si Dennis Trillo.

Kagabi, October 24, ay ipinalabas na sa serye ang mga eksena kung saan makikita si Teresita (Sanya) na pinagdadaanan na ang naranasan ng mga comfort women sa pamumuno ni Col. Yuta Saitoh (Dennis).

Sa panayam ni Lhar Santiago sa kaniya para sa 24 Oras, inamin ni Sanya na noong nagpunta sila ng Program Manager nila na si Edlyn Tallada-Abue sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay hindi niya mapanood ang sarili sa nasabing mga eksena.

“Hindi ko mapanood 'yung sarili ko kanina, wala akong ginawa kay Miss Edlyn (kundi sabihin na), 'Miss Edlyn, ito na 'yun.' Tapos parang naano lang, sila rin na mga nanonood, nakakakaba,” sabi ni Sanya.

Kuwento pa ng aktres ay totoong takot ang naramdaman niya habang ginagawa ang kanilang eksena at umabot pa sa punto na ayaw niyang mahawakan siya ni Dennis.

“Di ba po, sa gwapo ni Kuya Dennis, pero kailangan e, kailangan po talaga. Ang inisip ko kasi du'n kung ano ba talaga ang nangyari noong panahon ng World Ward II sa comfort women na nakita natin kung paano nagdusa,” sabi ni Sanya.

Aniya, naging malaking tulong rin na marinig ng aktres ang kuwento mismo sa comfort women na nakaranas ng mga pang-aabuso noon.

“Parang nilagay ko kasi 'yung sarili ko doon na sobrang nakakatakot na sobrang suwerte natin ngayon na hindi tayo dumanas ng ganiyan,” sabi ni Sanya.

BALIKAN ANG NAGING TRIBUTE NI ANGELLIE SANOY SA MGA COMFORT WOMEN SA 'PULANG ARAW' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nag-iwan rin ng babala si Dennis Trillo sa mga manonood at sinabing papunta na ngayon sa disturbing na mga eksena ang mapapanood sa Pulang Araw. Binalaan din ng Kapuso Drama King ang mga manonood na mas kaiinisan pa nila siya lalo sa mga susunod na episodes.

“Medyo umaabot na sa papuntang disturbing na 'yung mga eksenang nangyayari kaya ihanda na nila 'yung mga sarili nila, sigurado kaiinisan nila ako kapag napanood nila 'yung mga eksena,” sabi niya.

Mahirap man ang mga eksena, masaya naman ang team ng Pulang Araw na maihatid ang magagandang aral sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang serye.

“Nakikita mo na 'yung lahat ng eksena na 'Uy, kailan lang ginagawa namin 'to and now, pinapanood na ng lahat and ang daming nagkakagusto sa 'Pulang Araw' at maraming mga kabataan din ang namumulat na 'Ay, ganito pala 'yung panahon noon,'” sabi ni Sanya.

Para naman kay Dennis, “Ito 'yung mga kuwento na dapat ikuwento dahil baka wala nang magkuwento kapag hindi pa natin siya pinakita ngayon.”: