'Pulang Araw' child actress Cassy Lavarias, umani ng papuri mula sa netizens

Kasabay ng pagiging trending ng hit GMA series na Pulang Araw, pinag-uusapan din ngayon sa social media ang child actress na si Cassy Lavarias na gumaganap bilang batang Adelina sa nasabing serye.
Bukod sa production quality ng Pulang Araw, marami rin ang pumuri sa acting performance ni Cassy.
Sa katunayan, laman si Cassy ng maraming review posts online tungkol sa serye kabilang na ang Goldwin Reviews.
Ayon dito, “Marami kang masasabing maganda tungkol sa produksyon ng teleseryeng ito, pero ang pinaka-nangibabaw talaga ay 'yung batang gumanap na Young Adelina o yung batang Barbie Forteza.
“Siya ang karakter na una mong kakapitan dito dahil nakakadala at mahusay ang kanyang pagganap. Kapag umiiyak siya, imposibleng hindi ka maawa. Nakakahawa rin ang mga ngiti niya. Hindi pilit yung tono ng pananalita niya. Natural siya magsalita. Sobrang laki ng potensyal ng batang ito.”
Dagdag pa nito, “Indeed, a new child star is born by the name of Cassy Lavarias.”
Sa comments section ng naturang review, maraming netizens din ang nag-iwan ng positibong komento tungkol kay Cassy kagaya ng batikang aktres na si Rita Avila.
“She is a GEM!” comment ni Rita.
Narito ang ilan pa sa magagandang komento ng netizens tungkol kay Cassy:
“Uy, sa true. Ang galing-galing niya. Pagbitaw ng lines, mabilis na patak ng luha, mga gestures niya. Parang pro na talaga sa acting,” reaksyon ng isang netizen.
“Super galing niya talaga! Very expressive ang mukha niya at bawat iyak niya talagang tutulo rin ang iyong luha. Well played Cassy!” mensahe pa ng isang Pulang Araw viewer.
“A great actress in the making! Her eyes are so expressive (ala Ate Guy). She will definitely go a long way,” komento pa ng isang netizen.
Samantala, sa isang interview, sinabi ni Cassy na masaya niya na gumanap bilang young Adelina na karakter ng aktres na si Barbie.
Aniya, “Sobrang saya ko po and I'm very grateful po na ako ang nakuha bilang young Barbie Forteza po dito sa Pulang Araw kasi alam naman po nating lahat na napakabait, napaka-galing, at napaka-ganda po ni Ate Barbie Forteza.”
Paglalahad pa ng child actress tungkol sa Pulang Araw, “Masaya po kasi tuwing nagte-taping po kami parang di po ako napapagod kasi yung buong prod po ng Pulang Araw pati 'yung mga magagaling pong direktor napakasaya po nilang kasama at napaka-professional po nila.”
Ang Pulang Araw ay pinagbibidahan nina Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.
Sa ngayon, nananatiling trending topic sa social media ang Pulang Araw simula nang ipalabas ito sa GMA Prime at sa online streaming platform na Netflix.
Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
Samantala, mas kilalanin pa si Cassy Lavarias sa gallery na ito:









