Get to know SkyGarden's Ryo Nagatsuka, the Japanese language coach in 'Pulang Araw'

Gumagawa ngayon ng kaniyang sariling pangalan sa showbiz industry ang Filipino-Japanese singer-actor na si Ryoichi “Ryo” Rivera Nagatsuka.
Si Ryo ay isa sa mga Japanese language coaches ng hit GMA family drama na Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin dito si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Pero bago ang Pulang Araw, unang nakilala si Ryo bilang miyembro ng Japanese music trio na SkyGarden kabilang sina Iwa Maegawa, at Hiro Ozaki.
Sumikat ang kanilang grupo dahil sa kanilang mga nakatutuwang vlogs at mga awitin na nagustuhan ng kanilang mga Filipino at Japanese fans.
Kilalanin pa si Ryo sa gallery na ito:












