TV

Zandra Summer on being a beauty queen


Kamakailan lang sa ginanap na bloggers’ conference ng Pyra Babaeng Apoy, hindi nakaiwas si Zandra Summer sa mga comments na kamukha niya raw si 2013 Miss World Philippines Megan Young.

Nang tanungin ng GMANetwork.com si Zandra kung ano ang masasabi niya sa pagkukumpara sa kaniya kay Megan, siyempre raw natutuwa siya.

Pero sana raw huwag naman siyang tawaging “Megan.” Napapadalas na raw kasi ang pagbati kay Zandra bilang Megan mula nang mapansin ngang kamukha niya ang Starstruck Season 2 alumna.

Bukod pa sa pagkakahawig ni Zandra at Megan, mayroon din pala silang pagkakaparehas sa kanilang mga pangarap, ang pagiging isang beauty queen.

Kung wala raw si Zandra ngayon sa showbiz, maaring itinuloy niya na ang kaniyang career bilang isang beauty queen.

“Mga five to six na pageants na ang sinalihan ko. I ended up as runner up or having the title,” pahayag ni Zandra.

Sa mga nasalihan niya raw na pageants sa Cebu, ang Mutya ng Sugbo daw ang pinakahuli at pinakamalaking pageant kung saan siya pa rin ang reigning title holder hanggang ngayon.

“Nakakatawa lang doon sa pageant kaya di ko siya makalimutan kasi ako 'yong pinakamaliit. So ‘yong mga babae galit na galit talaga sa akin (noong nanalo ako). Ang daming issues like I'm one of the sponsored daw and dine-date ko raw 'yong mga businessman and staff or whatever,” pahayag ni Zandra.

Ani Zandra, sa tingin niya raw kaya siya nanalo ay dahil sa confidence niya. Hindi raw siya natakot sa mga mas matangkad sa kaniya. In short, hindi siya nagpahuli.

Kuwento ni Zandra, “tapos may something happened sa stage na nahulog ako at dumapa talaga ko, as in! Oh my gosh nakakahiya talaga! Sabi ko sa sarili ko ayoko na, pero ang ginawa ko tumayo ako at nag-smile pa rin ako.”

Dagdag pa ni Zandra, ang pagkakaiba raw niya sa kanyang mga kalaban sa nasabing pageant, direct to the point daw siyang sumagot sa question and answer portion. “hindi ako kagaya ng iba na, 'thank you for that wonderful question…well I believe in the saying...' Hindi ako ganoon. Kapag tinatanong ako, conversational lang. Then in the end sasabihin ko lang talaga, 'thank you.' Tapos I make sure na hindi masyadong mahaba ang sagot ko pero may point,” sabi ni Zandra.

Naaalala pa ni Zandra ang tanong sa kaniya na “If your life will end tomorrow and you only have one day left, what will you do?” Nang tanungin siya ng kaniyang sagot, mangiyak-ngiyak daw niyang sinabing, “'to fly back to Austria where my dad lives,' because that time my grandfather was suffering from cancer. Then sabi ko 'I would take that flight to be with him and hug him for the last time.'” Namatay na raw ang lolo niya bago pa siya makapunta doon.

Nang tanungin naman si Zandra kung kalian ba siya magiging handa na sumali sa isang malaking beauty pageant, “I think kapag 22 or 23 years old na’ko,” sagot niya.

In the mean time, panoorin natin si Zandra Summer bilang Ena sa Pyra Babaeng Apoy, weekdays after Maghihintay Pa Rin. – Text by Al Kendrick Noguera. Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com