TV

Jillian Ward at Elijah Alejo, makikipagpagalingan sa 'Quiz Beh!'

By Maine Aquino

Ipinakilala na ang dalawa pang players na kukumpleto sa episode ng Quiz Beh! ngayong Biyernes, June 5.

Sa episode na ito, makakasama ni Betong Sumaya ang dalawa pang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward at Elijah Alejo. Makakasama rin nila sina Sofia Pablo at Althea Ablan sa latest Kapuso online game show.

Tigil muna ang tarayan ngayong Biyernes dahil labanan muna ng talino sa Quiz Beh!

Abangan ito sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel ngayong June 5, 3:00 p.m.

Sofia Pablo at Althea Ablan, mapapanood sa 'Quiz Beh!'