advertisement
TV

KILALANIN: Cast ng 'Raising Mamay'

1 of 14

Aiai Delas Alas as Letty Sandejas/Mamay

Si Letty ay strikto at medyo matalak na ina pero endearing at palatawa. Siya ay malambing na asawa kay Bong at maasikasong ina sa adopted daughter nilang si Abigail. Aksidenteng mababaril si Letty at magiging regressive ang behavior niya dahil sa brain injury. Ang mental state ni Letty ay magiging seven-year-old na bata at iisipin niyang ang kanilang ampon na si Abigal ang kanyang ina.

2 of 14

Shayne Sava as Abigail Sandejas

Only child nina Letty at Bong si Abigail pero hindi niya alam na adopted lang siya at anak siya ni Bong sa ibang babae. Responsible at hindi maarte si Abigail. She is adventurous and can take care of herself. After mabaril ni Mamay, mapipilitan siyang maging guardian ng kanyang ina.

3 of 14

Valerie Concepcion as Sylvia Renacia

Kilalang celebrity talk show host at TV personality si Sylvia. Matalino siya, always pleasant-looking, at very concerned sa kanyang public image.

advertisement
4 of 14

Gary Estrada as Randy Renacia

Si Randy ay asawa ni Sylvia. Siya ay dating local official turned businessman. Gwapo at charming pero may saltik din pala si Randy. Possessive at abusive siya sa kanyang misis pero doting na ama sa kanilang anak na si Christopher.

5 of 14

Abdul Raman as Paolo Ampil

Brusko at mayabang ang dating ni Paolo kay Abigail pero sincere at matulungin. May kaya ang pamilya nila kaya happy-go-lucky lang ito. Siya ang love interest ni Abigail.

6 of 14

Antonio Aquitania as Bong Sandejas/Daday

Nagtatrabaho bilang cameraman si Bong, asawa ni Letty. Siya ay gwapo at bolero kaya lapitin ng mga babae. Marupok at mahina sa tukso si Bong dahil sa kanyang trabaho. Kahit hindi mahalaga na magkaroon sila ng anak ni Letty, napamahal na rin kay Bong si Abigail.

advertisement
7 of 14

Ina Feleo as Malou Reyes

Iresponsableng younger sister ni Letty si Malou. May pagka-trashy tignan si Malou at kleptomaniac. Hindi makatagal sa isang trabaho at hindi marunong maghawak ng pera. Exact opposite siya ni Letty kaya hindi sila magkasundo ng kapatid.

8 of 14

Joyce Ching as Arma Villasis

Mukhang intimidating si Arma pero mabait at reasonable. Very organized siya at laging may presence of mind. Pinsan at road manager ni Sylvia si Arma.

9 of 14

Tart Carlos as Wenda Liles

Matalik na kaibigan at kumare ni Letty si Wenda. Lady security guard sa school nila Abigail kaya parang anak na rin ang turing niya rito.

advertisement
10 of 14

Raquel Pareño as Berna Gonzalez

Si Berna ay ina ni Sylvia. Mukhang istrikta at mapang-puna si Berna. Maingat siya sa mga taong dumidikit kay Sylvia dahil concerned siya sa image ng anak.

11 of 14

Bryce Eusebio as Christopher Renacia

Only child nina Sylvia at Randy si Christopher. Lumaking malayo ang loob sa ina dahil feeling neglected siya nito dahil sa career.

12 of 14

Ella Cristofani as Kelly Gomez

Girlfriend ni Paolo si Kelly. Rich kid at maganda ang dalaga. She looks sweet pero bully.

advertisement
13 of 14

Hannah Arguelles as Dwein Liles

Si Dwein ay anak ni Wenda kaya naging malapit na rin siya kay Abigail, na anak ng kaibigan ng kanyang ina na si Letty.

14 of 14

Lei Angela Ollet as Pam Galvez

Bestie ni Kelly si Pam. Mayaman, maganda, at fashionista kung umasta si Pam pero may insecurities pala.