TV

'Raising Mamay' pilot episode, panalo sa ratings!

By Jansen Ramos

Namayagpag na agad sa TV ratings ang pilot episode ng bagong GMA afternoon drama na Raising Mamay na ipinalabas noong Lunes, April 25.

Nakakuha ang seryeng pinagbibidahan nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava ng rating na 5.6 percent base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Hindi hamak na mas malaki ito kumpara sa combined ratings ng mga katapat nitong palabas sa mga kalabang istasyon na nakakuha lamang ng 0.7 percent at 0.5 percent.

Patuloy na subaybayan ang Raising Mamay weekdays at 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Narito ang kumpletong listahan ng cast ng Raising Mamay at ng kanilang mga character sa bagong kinagigiliwang drama sa hapon: