What's on TV

Aiai Delas Alas, hanga kay Shayne Sava

By Jansen Ramos
Published May 4, 2022 6:46 PM PHT
Updated May 4, 2022 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava and aiai delas alas in raising mamay


''Pag tumanda pa 'to, mas lalo pang gagaling,' komento ni Aiai Delas Alas sa newbie actress at 'Raising Mamay' co-star niyang si Shayne Sava.

Bukod kay Aiai Delas Alas, kapansin-pansin din ang mahusay na pagganap ng 18-year-old newbie actress na si Shayne Sava sa Raising Mamay.

Mag-ina ang dalawa sa bagong heartwarming GMA Afternoon Prime series kung saan magpapalit sila ng roles bilang ina at anak na sina Letty at Abigail matapos ang isang aksidente.

"Magaling si Shayne kahit bata pa. Magaling talaga s'ya and I think 'pag tumanda pa 'to, mas lalo pang gagaling. Makikita mo naman 'yun kahit sa simula pa lang, 'pag alam momg talented na 'yung bata, makikita mo na meon siya," bahagi ni Aiai sa isang virtual media conference kamakailan.

Marami silang iyakan scenes ni Shayne sa Raising Mamay kung saan parte rin ang mga batikang artista na sina Gary Estrada, Valerie Concepcion, at Antonio Aquitania.

Patuloy ni Aiai, 'Yung mga eksena namin hindi ako nahirapan sa kanya kasi nakakasabay s'ya sa 'min mga thunderbells and lightning dito sa palabas na 'to. Nakakasabay 'yung bata."

Maging ang mga tao nga raw sa likod ay kamera ay hindi naiwasang madala sa mga eksena nila habang kinukunan ang mga ito.

Bahagi pa ni Aiai, "Sa sobrang heartwarming at sa sobrang nakakiyak 'yung palabas, 'yung mga assistant director namin, 'yung mga DOP, 'yung mga cameraman, umiiyak 'yung mga 'yon sa eksena lalo na 'yung direktor (Don Michael Perez) din namin kasi naalaa n'ya 'yung mama niya kasi wala na rin s'yang mamay e. "Tapos 'yung isang assistant director namin, may isang eksena sabi n'ya, 'payakap naman o.' Sabi ko, 'bakit?' Sabi niya, 'kasi naalala ko nanay ko' kasi mabigat 'yung eksena 'tapos nakakaano kasi 'yung mga boys, mga barako 'tapos makikita mo naluluha, umiiyak, 'di ba, kasi nakatataba ng puso at mas lalong nakakaiyak kasi naaalala nila 'yung nanay nila."

Sa Raising Mamay, nabaril sa ulo si Letty na magiging sahi ng hindi magandang epekto sa kanyang utak. Magkakaron siya ng age regression na magiging sanhi para bumalik ang kanyang pag-iisip sa pagiging bata.

Para mahusay na magamapanan ang kanyang role, pinaghandaan daw ito nang husto ni Aiai.

Aniya, "Isip bata talaga s'ya, mga six years old, seven years old s'ya. Kami ng mga bata, nag-Zoom kami para makita ko sila, makita ko kung paano 'yung gestures nila, 'yung mga nuances nila pero 'yung ibang acting [pinagpasa-Diyos ko lang]. Lord, tulungan n'yo ko, sa 'yo galing 'tong talent ko na 'to kaya tulungan mo 'kong maging maayos 'tong palabas na 'to."

Hindi na bago kay Aiai na gumanap sa mga nanay roles pero sinisigurado niyang kakaiba ang bago niyang TV project.

"Bukod sa first time kong maging batang nanay, maging batang-isip, ngayon ako naman 'yung inaalagaaan and, kumbaga, makikita natin 'yung scarifies ng anak para sa ina,” kuwento niya. "'Yung mga palabas ko usually ipinapakita kung ano y'ung mga sakripiso ko para sa mga anak ko. Ngayon baliktad naman, kung ano ang sakripisyo ng anak ko para sa akin."

Pagbunyag ni Aiai, hindi nga raw niya alam na bida siya sa Raising Mamay noong una.

Sa katunayan, bago pa man siya magtungo sa Amerika kasama ang asawa niyang si Gerald Sibayan, alam na raw ni Aiai ang tungkol sa teledramang Raising Mamay pero hindi raw niya akalain na malaki ang kanyang karater sa soap opera.

“Dati ko pang alam 'yung show na 'to pero 'di ko pa alam 'yung detalye. Akala ko nanay lang ako ni ganito, 'yung mga stars ng GMA so nagulat talaga ko no'ng isa pala 'ko sa bida. Nagulat talaga 'ko 'tapos no'ng nasaba ko 'yung script, ang ganda niya,” aniya.

"First time lang gaganap na may regression na nanay kasi naaksidente ako and bukod kasi do'n, talagang umuuwi naman ako kapag may project ako sa GMA so I'm so blessed dahil hanggang ngayon, binibigyan pa rin ako ng GMA ng projects."

Samantala, tingnan ang ilang masayang kaganapan sa sa set the Raising Mamay.