GMA Logo ella cristofani and shayne sava
What's on TV

Shayne Sava defends Ella Cristofani from bashers

By Jansen Ramos
Published July 28, 2022 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

ella cristofani and shayne sava


Shayne Sava on her 'Raising Mamay' co-star Ella Cristofani: 'Si Kelly nakakainis talaga pero si Ella, as herself, ay hindi po talaga.'

Isa sa mga kinaiinisan sa GMA afternoon drama na Raising Mamay ang role ng 21-year-old actress na si Ella Cristofani bilang kontrabida.

Sa soap opera, ang karakter ni Ella na si Kelly ang nagbisto kay Randy (Gary Estrada) na anak ni Sylvia si Abi (Shayne Sava) sa kabit nitong si Bong (Antonio Aquitania).

Nadulas si Kelly na may sikreto si Sylvia kaya napilitan siyang sabihin kay Randy ang katotohanan dahil pagbubuhatan siya nito ng kamay.

Ito ang dahilan kung bakit lalo pang pinagmalupitan ni Randy ang asawang si Sylvia.

Inulan ng batikos si Ella dahil sa kanyang role sa Raising Mamay pero cool naman ang aktres dito.

Nakahanap naman ng kakampi si Ella sa Raising Mamay lead star at co-star niyang si Shayne Sava na gumaganap na Abi.

Ayon kay Shayne, malayong-malayo sa tunay na buhay ang role ni Ella na batchmate niya sa StarStruck sa seventh edition nito na ipinalabas noong 2019.

Ani Shayne sa panayam ng GMANetwork.com, "Kami po ni Ella kasi magkasama na po kami sa StarStruck so friends na po kami before pa no'ng Raising Mamay and I was very happy po kasi magkakasama po kami nila Abdul kasi magkakasama po kami before sa StarStruck."

Ang Raising Mamay love team partner ni Shayne na si Abdul Raman ay ka-batch din nila sa StarStruck.

Dagdag ni Shayne, kabaliktaran ng character ni Ella sa drama ang personalidad nito.

Patuloy ni Shayne, "Kapag nakilala n'yo po s'ya, she's a bubbly person, sobrang jolly and very friendly, as in.

"Hindi ka niya hahayaan na ma-OP (out of place) or lagi ka n'yang kakausapin and sobrang daldal n'ya and may respeto po talaga s'ya. She knows po how to respect everyone and kayang-kaya n'ya pong makisama sa lahat ng tao."

Diin pa niya, "Si Kelly nakakainis talaga pero si Ella, as herself, ay hindi po talaga. As in, mamahalin n'yo po s'ya nang buong-buo."

Mapapanood ang final episode ng Raising Mamay bukas, July 29, 3:25 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

BALIKAN ANG MASAYANG SET NG RAISING MAMAY DITO: