TV

Raya Sirena: Pagpili ni Raya sa pagitan ng mga tao at mga sirena | Week 5

By Aaron Brennt Eusebio

Sa ikalimang episode ng sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na Raya Sirena, nagsimula na si Raya (Sofia Pablo) na tuklasin ang mundo ng mga sirena.

Noong una ay excited pa si Raya na tulungan ang mga sirena na sina Ape (Saviour Ramos) at Lua (Reins Mika) sa mga problema ng kanilang mundo.

Nang makausap si Raya si Gavin (Allen Ansay), nagdalawang isip siya kung ano ang kanyang gagawin - manatili sa lupa kasama ng kanyang mga kaibigan o tulungan ang mga sirena.

Sa huli, napagdesisyunan ni Raya na tulungan sina Ape at Lua kahit na may posibilidad na hindi na siya makabalik sa lupa. Samantala, nang makilala ni Gavin si Ape ay nakaramdam siya ng pagseselos dahil pakiramdam niya ay may gusto rin ito kay Raya.

Hindi alam ni Gavin, umamin na rin si Ape sa kanyang nakakaramdam kay Raya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya rito?

Panoorin ang lalong gumagandang istorya ng Raya Sirena sa Linggo, May 29, 3:05 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin pa ang ibang bida ng Raya Sirena sa gallery na ito: