TV

'Regal Studio Presents,' may brand new episodes na dapat abangan ngayong April

Patuloy na maghahatid ng mga kuwentong kakaiba, nakakakilig at nakakaantig ng puso ang weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Ilang brand new episodes ang naghihintay sa mga manonood every Sunday afternoon ngayong April.

Isa na riyan ang episode na pinamagatang "Siopao, Dumplings & Love" na pagbibidahan nina Kimson Tan, Zonia Mejia, at Shecko Apostol.

Kuwento ito ng isang Filipino-Chinese dimsum vendor na mahuhulog ang loob sa babaeng ipinagkasundo sa half-brother niya.

Mas mananaig ba ang pag-ibig o ang obligasyon sa pamilya?

Abangan 'yan sa "Siopao, Dumplings & Love" na mapapanood ngayong April 9.

Susundan naman ito ng time travel love story na "Love Me in 7 Days" kung saan tampok sina Elle Villanueva at Rob Gomez.

Tungkol ito sa isang lalaki mula sa 1926 na isusumpang mapunta sa 2023 dahil sa pagiging babaero.

Kailangan niyang makahanap ng "true love" sa loob ng pitong araw dahil kung hindi, hindi na siya makakabalik sa sarili niyang panahon.

Huwag palampasin ang "Love Me in 7 Days" sa April 16.

Balikan naman ang highs and lows ng high school sa teen-oriented episode na "The Two Nerds" starring Abdul Raman, Miggs Cuaderno, Larkin Castor at AZ Martinez.

Biglang aangat sa social heirarchy ang dalawang mag-best friends na outcast nang 'di nila sinasadyang matulungan ang "it girl" ng campus.

Anong mga pagbabago ang haharapin ng magkaibigan ngayong bahagi na sila ng social circle ng pinakasikat na babae sa campus?

Tunghayan 'yan sa "The Two Nerds" sa April 23.

Abangan ang brand new episodes na 'yan ngayong April sa Regal Studio Presents, every Sunday, 4:40 p.m. sa GMA.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.