
June is the month for weddings!
Pero tila isang kasalan ang mauudlot sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Isang proposal kasi ang papalpak sa episode na pinamagatang "Bride to Be."
Gaganap dito si Kapuso actress Elle Villanueva bilang Ashley, isang event organizer. Si Paolo Gumabao naman ay si Sam, kliyente niyang magpo-propose sa longtime girlfriend nito.
Habang inihahanda ni Ashley ang bonggang proposal ni Sam, makikipag-break naman ang kanyang longtime boyfriend.
Dahil distracted at heartbroken, maling pangalan ang mailalagay ni Ashley sa proposal cake ni Sam.
Maayos pa ba ni Ashley ang big mistake niya? Bakit tila sila naman ni Sam ang nagkakamabutihan?
Abangan sina Elle Villanueva at Paolo Gumabao sa brand new episode na "Bride to Be," June 25, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: