TV

Carlo San Juan, gaganap bilang aspiring musician sa 'Regal Studio Presents: The Dream Band'

By Marah Ruiz

Calling all music lovers! Para sa inyo ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa episode na pinamagatang "The Dream Band," bibida dito si Kapuso actor Carlo San Juan na gaganap bilang Je, isang aspiring musician.

Bahagi si Je ng isang amateur band kasama ang girlfriend niyang si Ashley, ang karakter ni Brianna Bunagan. Pero habang tumatagal, tila hindi na nila makukuha ang big break na inaasahan nila kaya titigil na sa pagbabanda ang ilan, kabilang si Ashley.

Mas pipiliin ng miyembro ng mga banda na magtrabaho para kumita ng pera habang maninidigan ni Je sa pagpupursigi niyang maging professional musician.

Susubukin ng tadhana si Je nang magkasakit ang kanyang tatay na si Mon, karakter ni John Feir. Dahil biyudo ito, si Je lang ang maaasahan niya.

Susuko ba si Je sa kanyang pangarap para maipagamot ang tatay niyang si Mon?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand new episode na "The Dream Band," October 1, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.