TV

Sandro Muhlach at Bryce Eusebio, mag-ama sa 'Regal Studio Presents: Papa's Boy'

By Marah Ruiz

Bibigyang-buhay nina Sandro Muhlach at Bryce Eusebio ang isang kakaibang father-son story sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Gaganap ang dalawang young actors bilang mag-ama sa "Papa's Boy."

Si Sandro ay si John, isang ama na nabigyang ng pagkakataon na maging binata muli para makabawi sa kanyang anak.

Si Bryce naman ay si Jay, anak ni John na hindi niya matanggap dahil bakla ito.

Babalik si John sa kanyang 18-year old body at magpapakilala kay Jay bilang kinakapatid nito.

Magagawa bang maintindihan at matanggap ni John si Jay o mas mapapalayo ba ang loob nila sa isa't isa?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand new episode na "Papa's Boy," February 18, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.