Magagandang mga babae at masasarap na putahe ang hatid ng special ng weekend anthology series na
Dalawang naggagandahang karinderya owners ang magpapasiklaban sa special na pinamagatang "Karinderya Queens."
Pagbibidahan ito nina Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina at Miss World Philippines 2019 2nd Princess Casie Banks.
Kasama rin nila sa Kapuso hunk Derrick Monasterio.
Si Maxine ay si Yara--short for Dayanara, habang si Casie naman ay si Sushi, short for Sushmita.
Magkatapat lang ang kanilang karinderya at halos pareho din ang kanilang mga putahe bilang mga Ilocano na taga-Pangasinan.
Maghahamunan sina Yara at Sushi sa isang cookfest kung saan magluluto sila ng mga Ilocano dishes kung saan magsisilbing judges ang kanilang mga kapitbahay.
Lalo pang iinit ang kanilang rivalry sa pagdating ng gwapong tricycle driver na si Dante--role naman ni Derrick.
Tunghayan ang mga beauty queens na sina Maxine at Casie sa "Karinderya Queens" sa Regal Studio Presents, November 7, 4:35 pm sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Si Maxine Medina ay si Dayanara o Yara, isang karinderya owner.
Karinderya owner din si Sushmita o Sushi, played by Casie Banks.
Gaganap si Derrick Monsterio bilang Dante, isang gwapong tricycle driver.
Dahil parehong Ilocana na mula sa Pangasinan sina Yara at Sushi, hindi maiiwasang pareho ang mga putaheng inihahanda sila sa kanilang mga karinderya.
Maghahamunan sina Yara at Sushi sa isang cook off ng mga Ilocano specialties.
Magiging magkaribal din sila para sa puso ni Dante.
Tunghayan ang mga beauty queens na sina Maxine at Casie sa "Karinderya Queens" sa Regal Studio Presents, November 7, 4:35 pm sa GMA.