New year, new story sa weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Siguradong matutuwa ang fans ng tambalan nina Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Ruru Madrid dahil sila ang tampok sa fantasy rom-com na "My Fairytale Hero."
Kuwento ito ni Jen, isang fan fiction writer na magkakaroon ng hit story sa internet.
Laking gulat niya nang bigla na lang may guwapo at matipunong lalaki sa kanyang apartment paggising niya isang araw.
Nagpapakilala ito bilang Brando, at naniniwala itong boyfriend siya ni Jen.
Wala rin itong ibang mga alaala kundi mga bagay na isinulat ni Jen sa kanya istorya.
Nabuhay nga kaya talaga si Brando na isang karakter sa sikat na istorya ni Jen?
Si Kylie ang gaganap bilang Jen, habang si Ruru naman ay si Brando.
Abangan ang pagbabalik-tambalan nila sa "My Fairytale Hero" sa April 17, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Si Kylie Padilla ay si Jen, isang fan fiction writer.
Si Ruru Madrid ay si Brando, isang karakter sa istorya ni Jen.
Magiging online hit ang kuwentong isinusulat ni Jen.
Ikagugulat niya ang isang lalaking nagpapakilala bilang si Brando sa kanyang bahay!
Naniniwala rin si Brando na siya ang boyfriend ni Jen. Wala rin itong mga alaala kundi ang mga bagay na isinulat ni Jen sa kanyang istorya.
Totoo bang nabuhay si Brando mula sa istorya ni Jen?
Abangan ang pagbabalik-tambalan nina Ruru at Kylie sa "My Fairytale Hero" sa April 17, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'