SNEAK PEEK: Bully, babawi sa 'Regal Studio Presents: Monaylisa and Me'

Kuwento ng isang reformed bully ang hatid ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Tampok sina Paul Salas, Klea Pineda, at Anthony Rosaldo sa episode ng pinamagatang "Monaylisa and Me."
Si Paul ay si Jolo, isang matagumpay na businessman. Sa kasamaang palad, malalaman niyang may malubha siyang sakit.
Dahil dito, gagawin niyang misyon na itama ang kanyang mga mali sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong nasaktan niya noon.
Isa na dito si Monet, role ni Klea, na biktima ng pambu-bully ni Jolo noon. Madalas kasing tuksuhin ni Jolo na "Monay" si Monet dahil sa bilugan niyang pisngi.
Nang muling mahanap ni Jolo si Monet, malalaman niyang may negosyo itong nasa bingit na ng pagkalugi.
Ano nga ba ang maaaring gawin ni Jolo para makabawi kay Monet?
Abangan 'yan sa "Monaylisa and Me" sa January 9, 4:35 pm sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






