Isa na namang kuwentong pang buong pamilya ang matutunghayan sa upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Tampok sina Sef Cadayona, Kat Galang at Patricia Coma bilang isang pamilya sa "Me and My House Daddy."
Napapanahon ang kuwento dahil sa Sef ay si Luke, isang padre de pamilya na male-lay off dahil sa pandemya.
Magiging stay-at-home dad si Luke kasama ang anak niyang si Cheska, karakter ni Patricia.
Si Kat naman ay si Joyce, ang asawa ni luke na isang full time nurse. Siya ang magiging breadwinner ng pamilya habang naghahanap pa ng malilipatang trabaho si Luke.
Sa suggestion ni Cheska, gagawa sila ni Luke ng "househusband videos" kung saan mapapanood na gumagawa ng iba't ibang gawaing si Luke at masusulyapan pa ang kanilang sweet na father-daughter bonding.
Papatok online at magiging viral ang kanilang mga videos!
Dahil sa newfound fame ni Luke, hindi naman maiiwasang mag-selos ni Joyce dahil nag-e-enjoy ang kanyang mag-ama nang hindi siya kasama.
Ito pa ba ang magiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng kanilang pamilya?
Abangan 'yan sa "Me and My House Daddy," January 30, 4:35 pm sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Dahil sa pandemic, male-layoff si Luke (Sef Cadayona) mula sa kanyang trabaho bilang OFW.
Magiging stay-at-home dad si Luke kasama ang anak niyang si Cheska (Patricia Coma).
Ang asawa naman ni Luke at full-time nurse na si Joyce (Kat Galang) ay magiging breadwinner ng pamilya.
Magsisimula ng isang "househusband" vlog sina Luke at Cheska at magba-viral ito--bagay na ipagse-selos ni Joyce.
Abangan 'yan sa "Me and My House Daddy," January 30, 4:35 pm sa 'Regal Studio Presents.'