Isang refreshing na tambalan ang dapat abangan sa upcoming episode ng weekly anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Magtatambal kasi sa bagong episode na "I Love You More and More" sina Carlo San Juan at Casie Banks.
Parehong may experience sa mundo ng pageants sina Carlo at Casie. Si Carlo ang naging grand winner ng "Mr. Pogi" male beauty pageant ng 'Eat Bulaga' noong 2019 habang si kinoronahan naman si Casie bilang Miss World Philippines 2019 2nd Princess.
Sa "I Love You More and More," gaganap sila bilang childhood sweethearts na muling magtatagpo ngunit magkalayo na ang kanilang agwat sa buhay.
Abangan ang kuwentong 'yan sa "I Love You More and More," May 29, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Si Carlo San Juan ay si Oliver habang si Casie Banks naman ay si Celeste
Childhood sweethearts sila na magkakahiwalay dahil sa trabaho.
Susunod si Oliver kay Celeste pero mararamdaman niyang magkaiba na ang ginagalawan nilang mundo.
May pag-asa pa bang manumbalik ang dati nilang nakagawian?
A sweet moment between Celeste and Oliver
Si Crisanto Aquino ang nagsiling direktor ng episode.
Abangan sina Carlo at Casie sa "I Love You More and More," May 29, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.