Talagang opposites attract sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Two years nang work from home si Shaira dahil sa low self-esteem niya. Naging shy girl siya matapos ma-aksidente at magtamo ng burn scars sa kanyang katawan.
Pero sa request ng auntie niya, muling lalabas si Shaira para magtrabaho sa isang review center. Dito niya makikilala ang outgoing at talented basketball player na si Anton.
Hindi pa kailanman nagkaroon ng girlfriend si Anton kahit na guwapo ito at maraming good qualities. Ikagugulat ni Shaira ang atensiyong ibinibigay sa kanya ni Anton.
Si Anton na ba ang much needed self-esteem boost para kay Shaira?
Abangan ang brand new episode na "A Shot at Love," May 28, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Keywords: regal studio presents, a shot at love, althea ablan, prince carlos, entertainment, television, photos, rss, rssfeed
Si Althea Ablan ay si Shaira, isang babaeng mababa ang self-esteem.
Si Prince Carlos naman ay si Anton, basketball player na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend.
Naging insecure si Shaira sa panlabas na anyo niya dahil sa mga peklat na natamo niya matapos ang isang aksidente.
Pursigido si Anton na makilala si Shaira.
Dahil sa pagpupursigi ni Anton, unti-unti silang magiging close ni Shaira.
Ano nga ba ang tunay na intensiyon ni Anton kay Shaira?
Abangan ang brand new episode na "A Shot at Love," May 28, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.