Isang father-son story with a twist ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Hindi matanggap ni John na bakla ang kanyang anak na si Jay at malaking lamat ito sa kanilang father-son relationship.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, magiging binata muli si John at babalik bilang ang kanyang 18-year old na katawan.
Magpapakilala siya kay Jay bilang kanyang kinakapatid. Ngayong magkapareho na sila ng edad, mas makikilala kaya ni John ang anak?
Magagawa bang tanggapin ni John si Jay?
Abangan ang brand-new episode na "Papa's Boy," February 18, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Si Sandro Muhlach ay si John, tatay na magiging binata muli para mas maintidihan ang kanyang anak.
Gaganap naman si Bryce Eusebio bilang Jay, anak ni John.
Hindi tanggap ni John si Jay dahil bakla ito.
Babalik si John sa kanyang 18-year old na katawan.
Ito na ba ang pagkakataon niyang mas makilala nang mabuti si Jay?
Matatanggap ba ni John si Jay?
Abangan ang brand-new episode na "Papa's Boy," February 18, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'