Manikurista, itatago ang tunay na katauhan sa 'Regal Studio Presents: Swipe for Romance'

Magsisimula na ang bagong season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ang unang episode nito ay pinamagatang "Swipe for Romance."
Kuwento ito ng isang manikurista na itatago ang kanyang tunay na pagkatao.
Makaka-match ng nail technician na si Ada (Shayne Sava) ang gwapong si Miko (Will Ashley) sa isang dating app.
Sa kagustuhan niyang ma-impress si Miko, ipapakilala ni Ada ang sarili bilang Bubbles, isang sophisticated na pre-med student.
Magkakaroon kaya ng pagkakataong maging honest si Ada kay Miko?
Abangan ang brand-new episode at season opener na "Swipe for Romance," March 24, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






