TV

Bagong episodes ng 'Regal Studio Presents,' mapapanood na tuwing Sunday afternoons

By Marah Ruiz

Magiging special ang Sunday afternoons natin simula October 3!

Lilipat na kasi sa regular timeslot na every Sunday, 4:35 pm ang weekend anthology na Regal Studio Presents.

Mga bago at iba't ibang napapanahong kuwento, tampok ang mga paborito nating Kapuso stars ang matutunghayan dito bawat Linggo.

Sa October 3, tampok sina Shaira Diaz at Kokoy de Santos sa "Ikaw si Ako, Ako si Ikaw."

Gaganap si Kokoy bilang playboy photographer na si Marco. Si Shaira naman ay si Janice, isang gipit na nursing student na mapipilitang maging scammer.

Sa isang maulang gabi, magkakapalit ng katawan ang dalawa! Makabalik pa kaya sila sa sarli nilang mga katawan?

Si Bianca Umali, kasama sina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Gab Moreno ang bibida sa "The Signs" sa October 10.

Bibigyang-buhay ni Bianca si Moira, isang modern woman na naniniwala sa signs kapag love na ang pinaguusapan.

Sino kaya sa tatlong lalaki ituturo ng signs bilang "the one" ang para kay Moira--ang nakakairitang kapitbahay, ang architect na regular customer niya sa coffee shop, o ang jock na makikilala niya sa park?

Sa October 17 naman, matutunghayan sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa puppy love story na "Promises to Keep."

Si Mikee ay si Jenny, isang babaeng babalik sa kanyang childhood home matapos mamalagi sa Maynila at sa Amerika. Makikita niya dito ang kanyang kababatang si Eloy, role ni Kelvin, na anak ng caretaker ng bahay nila.

Bago umalis si Jenny noon, may pangako sila ni Eloy sa isa't isa. Maalala pa kaya nila ito matapos ang maraming taon?

Abangan ang mga kuwentong 'yan sa Regal Studio Presents, every Sunday, 4:35 pm sa GMA.