TV

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, masaya sa kanilang reunion project na 'Promises to Keep'

By Marah Ruiz

Very happy raw sina Kapuso stars Mikee Quintos at Kelvin Miranda na magkatrabaho muli sa upcoming telemovie na "Promises to Keep," na bahagi ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.


Ito raw kasi ang unang beses na nagkita sila muli matapos ang kanilang historical fantasy series na The Lost Recipe.

"Ito po kasing Regal na nagsama po kami for 'Promises to Keep,' ito 'yung unang unang nagkita po kami after ng The Lost Recipe. Masaya po ako. Sabi ko sa kanya noon na na-miss ko siyang kabatuhan ng mga linya. Na-enjoy po namin 'yung day na 'yun," kuwento ni Mikee.

Sa "Promises to Keep," gaganap sina Mikee at Kelvin bilang childhood friends na muling magkikita matapos ang isang dekada.

Si Mikee ay si Jenny na umalis patungong Maynila at nanirahan pa sa Amerika, pero magbabalik sa kanyang childhood home.

Si Kelvin naman ay si Eloy, ang kababatang nangakong maghihintay sa kanya.

"Itong character ko naman eh simpleng tao lang siya na malaki ang pinanghahawakan sa buhay, lalo na ang mga pangako. Tumatak sa kanya na talagang pinanghawakan niya hanggang sa sa makarating 'yung pangakong iniintay niya," paglalarawan ni Kelvin sa kanyang karakter.

Bukod kina Kelvin at Mikee, bahagi rin ng episode sina Angel Guardian at Tyrone Tan.

Gaganap si Angel bilang Alma, kababata ni Eloy na may lihim na pagtingin sa binata.

"Masasabi kong si Alma, example siya ng genuine and pure love. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Eloy simula noong bata sila, parang tinuturo lang dito na minsan masyado tayong malayo tumingin na hindi natin nabibigyan ng pansin 'yung mga taong nandiyan para atin," lahad ni Angel.

Si Tyrone naman ay si Paolo, ang nobyo ni Jenny.

"Ako naman po as Paolo, hindi naman siya kontrabida. Makikita niyo po si Paolo, mabait, mature and alam niya 'yung pinaglalaban niya sa buhay," simpleng paliwanag niya tungkol sa kanyang role.

Abangan ang pagbabalik-tambalan nina Mikee at Kelvin sa "Promises to Keep" sa Regal Studio Presents, October 17, 4:35 p.m. sa GMA.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: