What's on TV

Kapuso newbie Anjay Anson, pinasalamatan ang kanyang 'Magkaibigan, Nagkaibigan' co-stars

By Marah Ruiz
Published November 13, 2021 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PAGASA update on Tropical Depression Ada as of 11 AM (Jan. 14, 2026) | GMA Integrated News
NCAA women's volleyball is back this January
Student harassed on the road by rider in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Anjay Anson


Ayon kay Anjay Anson, nakatulong daw sina Lexi Gonzales at Kim de Leon para maging maayos ang taping ng 'Magkaibigan, Nagkaibigan.'

First project ng Kapuso newbie na si Anjay Anson ang youth romantic comedy na "Magkaibigan, Nagkaibigan."

Bahagi ito ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Grateful daw si Anjay sa suporta ng kanyang co-stars na sina StarStruck season 7 alums Lexi Gonzales at Kim de Leon.

"At first po sobrang kinakabahan po talaga ako. As in, sobrang grabe po 'yung kaba ko noon. Pero naging malaking tulong naman po si Lexi tska si Kim para maging okay po 'yung flow ng taping namin," bahagi ng aktor.

Na-enjoy naman daw ni Kim ang makatrabaho si Anjay.

"Sobrang natutuwa din ako kay Anjay kasi first time niya po ito. Sobrang smooth lang po ng taping and sobrang nag-enjoy lang ako," pahayag ni Kim.

Lubos din daw nag-enjoy si Lexi sa pagte-taping ng kanilang episode, lalo na at dalawa ang kanyang leading men.

"Si Anjay, ang gaganapan niyang role is si Arjun, isang sikat na artista. I'm a fangirl na crush na crush ko siya. Then ang best friend ko na si Kim ay super supportive naman doon sa gusto ko. Doon po iikot 'yung kwento," paliwanag naman ni Lexi.

Sa takbo ng kuwento, childhood friends ang karakter ni Lexi na si Lanelle at ang karakter naman ni Kim na si Jared. Pareho silang may pagtingin sa isa't isa pero pipiliin na lang nilang itago ito sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan.

Malalaman ni Lanelle na pinsan pala ni Jared ang paborito niyang artistang si Arjun at pansamantala itong tutuloy sa kanilang bahay. Magiging excited ang dalaga na maka-close ang kanyang idolo, bagay na pagseselosan ni Jared.

Abangan sina Lexi, Kim at Anjay sa "Magkaibagan, Nagkaibigan" sa Regal Studio Presents, November 14, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.