TV

'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose' lead star Rob Gomez, kayang magparaya sa pag-ibig

By Marah Ruiz

Isa ang aktor na si Rob Gomez sa mga bibida sa upcoming telemovie special na "Bros B4 Rose" na bahagi ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.


Makakasama niya rito sina Kapuso stars Kim Domingo at Jeric Gonzales.

Gaganap si Rob bilang si Lester, isang playboy gym instructor. Pictures niya ang gagamitin ni Vincent, karakter ni Jeric, sa isang dating app kung saan makaka-match niya si Rose, role naman ni Kim.

Noong una, tutulungan lang ni Lester si Vincent na pagtakpan ang kanyang kasinungalingan hanggang sa siya mismo ay mahulog na rin ang loob kay Rose.

Kung sakali raw mangyari ito sa tunay na buhay, palagay ni Rob ay kaya niyang magparaya.

"I've always been a bros before anything kind of guy. Blood is thicker than water so mas pipiliin ko 'yung bro kaysa sa magandang [babae.] Siyempre, I'll give way na din. Ako na 'yung magbibigay, maski ako pa 'yung nauna. I want you to be happy," pahayag ni Rob sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 25.

May na-experience naman daw na ganito si Jeric noong high school pa lang siya.

"Usually kasi sa lalaki, hindi talaga maiiwasan 'yan kasi minsan same 'yung girl na nagugustuhan namin. Nagkakaroon lang ng konting misunderstanding kapag hindi kagad nalalaman nung isa. Ako rin before, noong high school ako, may bestfriend ako and then may nagustuhan kaming girl. Nililigawan ko na siya and then I found out, nililigawan din pala niya. Parang awkward kasi kasakasama ko siya noong nanliligaw ako. Nauna akong nanligaw," paggunita ni Jeric.

Naging maayos naman daw silang dalawa ng kanyang kaibigan matapos mag-usap.

"Misunderstanding [lang] pero in the end, puwede naman pag-usapan kung may magi-give way. Understanding lang siguro and communication [ang kailangan]," dagdag pa ni Jeric.

Para naman kay Kim, imbis na maging cause of conflict, naging bonding experience pa nang magkaroon sila ng parehong crush ng kanyang best friend.

"High school ako nito, mayroon akong best friend. Nalaman ko na 'yung crush ko na classmate namin, crush din pala niya. Pero sa amin, ang pinagkaiba sa kuwento dito sa Bros B4 Rose, hindi kami nagkaroon ng pag-aaway. Tuwing nakikita namin siya, kinikilig lang kami. Hindi kami nag-away na 'Oh sa akin siya!' Walang ganoon, walang agawan," kuwento naman ni Kim.

Abangan ang love triangle nina Kim, Jeric at Rob sa "Bros B4 Rose," sa Regal Studio Presents, November 28, 4:35 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito: