TV

Claire Castro, iniiwasang ma-pressure na higitan ang nagawa sa 'Nagbabagang Luha'

By Aedrianne Acar

Ngiti ang isinukli ng fast-rising Kapuso star na si Claire Castro nang mapag-usapan ang nakaraang soap niya, ang Nagbabagang Luha, kung saan napansin ng viewers ang mahusay niya na pagganap bilang Cielo.

Sa Zoomustahan event ng GMA Social Media Team ngayong Huwebes, December 2, tinanong ng GMANetwork.com ang dalaga kung may pressure na higitan ang kanyang performance sa Nagbabagang Luha sa mga susunod na proyekto.

Sagot ni Claire, “A little bit of pressure is good, pero ako po, hindi po ako nape-pressure ngayon kasi nag-e-enjoy po ako sa ginagawa ko.”

Pagpapatuloy niya, “So, pag nag-e-enjoy kayo sa ginagawa n'yo, mas nababawasan 'yung pressure and super thankful po ako sa lahat na nag-support sa akin from Nagbagagang Luha to my other shows po. Sobrang nakatulong po 'yung show kasi, di ba, po sobrang intense po 'yung Nagbabagang Luha, so after nun medyo dumali na po lahat ng roles ko.”

Gusto rin daw mag-explore ng 23-year-old actress kaya gusto niyang gumawa ng mga comedy project bukod sa soap opera.

Aniya, “Itong what I'm learning right now is how to do comedy naman kasi wala pa po ako medyo experience sa comedy, so I'm looking forward to try comedy po.”

Source: Kapuso Brigade Zoomustahan

Bida si Claire sa next episode ng Regal Studio Presents: Myra's Miracle, kung saan makakasama niya sina Coleen Paz, Dustin Yu, at Kapuso comedienne na si Mosang.

Ayon sa heartthrob na si Dustin Yu, kapupulutan ng aral ang special episode nila this weekend.

Saad niya, “It's normal to have problems sa family, so dapat ayusin ng maaga. Para huwag magtanim ng galit and of course kahit ano'ng mangyari family pa rin di ba.”

Dagdag naman ni Coleen na “good learning experience” para sa maraming Kapuso ang "Myra's Miracle."

Aniya, “Napakalaking parte ng pagpapatawad kasi, lalo na ngayong pandemic, mahirap talaga 'yung meron kayong hidwaan or something. 'Tsaka sila lang ang kakapitan mo kahit ano'ng mangyari, so it's a good learning experience rin kapag napanood n'yo 'yung 'Myra's Miracle.'”

Abangan ang Christmas episodes ng weekend anthology series na Regal Studio Presents, na mapapanood tuwing Linggo, 4:35 pm sa GMA Network.