TV

'Regal Studio Presents: Myra's Miracle' lead stars, ibinahagi ang mga na-experience na miracle

By Marah Ruiz

Narito na ang unang Christmas offering ng weekend anthology series Regal Studio Presents.

Pinamagatang "Myra's Miracle," pagbibidhan ito nina Claire Castro at Mosang.

"Ang character ko po is si Myra. Nag-umpisa po siyang saleslady tapos namasaukan po siya na caregiver sa isang masungit na madame, si Madame Olivia po. 'Yung pagka-comedy po niya is kinaiinisan po ako ni Madame Olivia dahil sobrang positive ko po na nakakainis na," pahayag ni Claire sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong December 2.

Nananatiling optimistic si Myra kahit na hinainan ng maraming pagsubok sa buhay--ang pinakahuli ay ang pagpapalayas sa kanila ng kanyang ama mula sa inuupahan nila kung kailang malapit na ang Pasko.

Dito siya magtatrabaho para sa wheelchair-bound na si Olivia, ang karakter ni Mosang.

Makakasama nila sa episode sina Coleen Paz at Dustin Yu na gaganap bilang mga anak ni Olivia.

"I'm playing the role of Adrian. Ako 'yung anak ng mataray na sinsabai ni Ms. Claire. Galit ako sa mom ko noon. Because of Claire, medyo naging cloase kami at the end. Abangan niyo 'yun guys," paglalarawan ni Dustin sa kanyang karakter.

"'Yung character ko dito is si Sofia, anak ni Madame Olivia. Brother ko si Dustin and as panganay medyo madaming tragedy so kailangan niyong abangan ang aming palabas this coming December 5," ani Coleen.

Tulad sa title ng episode, ibinahagi naman nina Claire, Coleen, at Dustin ang mga "miracle" na naranasan nila.

"Every Christmas parang nagpe-pray po ako na may gusto ako or 'pag may naiisip po ako na sana ganito, kadalasan po tinutupad ni God pag Christmas talaga. 'Yun po 'yung miracle ko every Christmas--na may wish come true po ako," bahagi ni Claire.

Itinuturing naman ni Dustin na isang miracle ang pagpasok niya sa showbiz.

"Ako naman, 'yung miracle na nangyari sa akin is 'yung dream ko na work which is pagpasok dito sa industry. 'Yung first project ko is 'Myra's Miracle' agad so natupad naman siya," lahad ng aktor.

May kinalaman din sa biyaya ng trabaho ang miracle ni Coleen.

"For me 'pag December talaga, lalo na kapag 'Ber' months, 'yun 'yung pinaka miracle sa akin kasi siyempre blessing talaga 'pag may mga work. For me super lucky lang din na madaming natatanggap these 'Ber' months. That's a miracle for me," paliwanag naman ni Coleen.

Abangan ang first Christmas offering ng Regal Studio Presents na "Myra's Miracle," December 5, 4:35 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito: