TV

Allen Ansay, viral sa 'Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy'

By Marah Ruiz

Sa pangalawang pagkakataon, muling bibida si Kapuso actor Allen Ansay sa panibagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Source: itsmeallenansay (IG)


Matatandaang isa si Allen sa mga lead stars ng pangalawa at well-loved episode na Raya Sirena kasama ang love team partner niyang si Sofia Pablo.

Ngayon naman, tampok si Allen sa bagong episode na pinamagatang "My Cheesy Cutie Guy." Gaganap siya dito bilang isang kesong puti vendor na magba-viral.

Ang kasikatang ito ang magbibigay-daan para makilala niya ang kanyang estranged father.

Aminado si Allen na nanibago siya dahil hindi niya kasama dito ang ka-love team na si Sofia.

"Siyempre po sa una, nanibago rin po. Pero happy rin po kasi 'yung mga tinuro po sa kin ni Sofia [naalala ko]. Sabi niya po sa akin, hindi naman laging magkakasama kami. Sabi niya sakin, huwag akong kakabahan," pahayag ni Allen sa interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Bukod kay Allen, tampok din sa episode sina Barbara Miguel, Pam Gonzales, Sue Prado at Marlon Mance.

Abangan ang "My Cheesy Cutie Guy," March 27, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.