TV

'Regal Studio Presents,' magbabalik na sa dating oras sa 'I Love You More and More'

By Marah Ruiz

Sa hapon na muling mapapanood ang weekend anthology series na Regal Studio Presents simula May 29.

Ang first episode sa pagbabalik nito sa dating timeslot ay ang romance drama na "I Love You More and More."

Tampok dito sina Carlo San Juan at beauty queen-actress Casie Banks bilang childhood sweethearts na sina Oliver at Celeste.


Para i-pursue ang kanyang career bilang isang fashion designer, lilipat si Celeste mula sa kanilang probinsiya patungo sa isang malaking siyudad.

Maiiwan niya sa probinsiya si Oliver na nag-aalaga ng kanyang pamilya at nabubuhay ng simple at tahimik.

Kalaunan, susundan ni Oliver si Celeste sa siyudad. Pero pagdating niya rito, mararamdaman niyang tila malaki na ang pagkakaiba ng kanilang mga mundo.

May chance pa ba ang pag-ibig nina Oliver and Celeste?

Abangan sina Carlo at Casie sa "I Love You More and More," May 29, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: