TV

MJ Lastimosa at Elijah Canlas, magtatambal sa 'Regal Studio Presents: She Likes Me, She Likes Me Not'

By Marah Ruiz

Refreshing ang tambalan nina beauty queen turned actress MJ Lastimosa at award-winning actor Elijah Canlas para sa Regal Studio Presents: She Likes Me, She Likes Me Not.


Gaganap si Elijah bilang ang tired city boy na si Paul. Para mawala ang stress niya, nagtungo siya sa isang resort na managed ni Deena, played by MJ.

Open sa paghahanap ng love si Paul kahit wala pa siya gaanong experience. Mapupusuan niya si Deena kahit na may agwat ang kanilang edad.

Maguguluhan naman ang puso ni Paul dahil minsan, receptive si Deena sa affections niya. Minsan naman, tila nagse-set ito ng malinaw na boundaries.

Ang agwat ba sa kanilang edad ang dahilan sa pagdistansiya ni Deena o may iba pa kaya siyang rason?

Huwag palampasin ang "She Likes Me, She Like Me Not," June 26, 4:45 p.m. sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: