
Sina Nikki Co at Ashley Ortega ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ipapakita nila ang kanilang magandang chemistry sa episode ng "Blind Date."
Si Nikki ay si Kevin, lalaking heartbroken dahil sa pagbe-break nila ng girlfriend na si Ines.
Gaganap naman si Ashley bilang Stacy, ang free-spirited na babaeng makikilala ni Kevin sa isang blind date.
Itinuturing ni Kevin na "perfect" si Ines at kabaliktaran ng personality nito si Stacy kaya gagamitin niya ito para pagselosin ang ex-girlfriend.
Dapat bang balikan ni Kevin si Ines o si Stacy na ba ang susi sa pagmo-move on niya?
Bahagi rin ng episode sina Kate Yalung at Darwin Yu na reunited sa Mano Po Legacy: Her Big Boss co-star nilang si Nikki.
Panoorin ang brand-new episode na "Blind Date" ngayong July 31, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: