
Bibigyang buhay ni Sparkle actress Elle Villanueva ang role bilang Eden Santa Maria sa nalalapit na GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.
Makakasama niya rito sina Kapuso hunk Derrick Monasterio at ang batikang aktres na si Eula Valdes.
Sa- kanyang Instagram, ipinost ni Elle ang ilang eksena kung saan siya ay nasa isla, pati na rin ang larawan kung saan kasama niya roon si Derrick, na gaganap bilang Red.
Mayroon ding behind-the-scenes photos na ipinakita ang aktres kung saan kasama niya ang direktor ng serye na si Don Michael Perez.
Sulat ni Elle sa caption, “Beyond grateful to do what I love while in paradise. #ReturnToParadise soon on GMA.”
Bukod sa pasasalamat, masayang-masaya rin si Elle dahil nagkaroon siya ng lead role sa isang teleserye.
“Super happy ako, super tuwang-tuwa ako na ilo-launch na ako. Nagkaroon ako ng lead role, ng sariling teleserye,” pagbabahagi ng aktres sa exclusive interview ng GMANetwork.com nitong June.
Makakasama naman ng aktres sa Return To Paradise sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso at Allen Dizon.
Samantala, silipin ang mga stunning looks nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio noong MEGA Ball 2022 sa gallery na ito.