TV

Derrick Monasterio grateful for his lead role in 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano

Mapapanood na ngayong August ang upcoming drama series na Return To Paradise na pinagbibidahan nina Kapuso stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at renowned actress Eula Valdes.

Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Derrick, inamin ng aktor na nagulat siya at masayang-masaya nang malaman na kabilang siya sa leading stars ng seryeng ito.

“I was so surprised as well and s'yempre sobrang saya ko rin and every show naman na ginagawa ko, every show na binibigay sa akin, sobrang grabe 'yung pagpapasalamat ko kay Lord.

“Kapag nalaman ko 'yung news, nagpe-pray talaga ako, and nagte-thank you ako, and humihingi ako ng guidance. So, happy [ako],” ani Derrick.

Bago pa sumabak sa lock-in taping, ibinahagi ng aktor sa 24 Oras na masaya siya na si Elle ang kanyang makakapareha sa Return To Paradise. Dito, bibigyang buhay ni Derrick ang karakter bilang Red habang si Elle naman ay gaganap bilang si Eden.

Aniya, “Masayang-masaya ako na si Elle 'yung ka-partner ko rito kasi sa workshop pa lang, click na kami agad, e. Tapos madali siyang pakisamahan, and ang ganda, ganda lang ng banter namin.

“So, feeling ko magkakasundo talaga kami sa island.”

Base naman sa inilabas na teaser ng GMA Network nitong July, tinawag na “hottest new couple” ang dalawang Kapuso stars at maraming netizens ang excited nang mapanood ang kanilang teleserye.


Bukod sa tatlong lead stars, kabilang din sa Return To Paradise sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.

SAMANTALA, SILIPIN ANG GLAM ROCK LOOKS NINA ELLE VILLANUEVA AT DERRICK MONASTERIO NOONG MEGA BALL 2022 SA GALLERY NA ITO.