GMA Logo return to paradise
What's on TV

'Return To Paradise,' mas tumitindi ang mga eksenang dapat abangan

By Dianne Mariano
Published August 30, 2022 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

return to paradise


Mapaninindigan ba nina Red (Derrick Monasterio) at Eden (Elle VIllanueva) ang kanilang pagmamahalang tututulan ng kanilang mga magulang?

Ngayong linggo, magiging mas mainit ang inyong hapon dahil sa matitinding rebelasyon na masasaksihan sa GMA afternoon drama series na Return To Paradise.

Base na ipinalabas na teaser video ng GMA Network, mapapanood ang pagkikita nina Red (Derrick Monasterio), Eden (Elle VIllanueva) at ng kanilang mga ina na sina Amanda (Eula Valdes) at Rina (Teresa Loyzaga).

Matatandaan na mayroong hidwaan sa pagitan nina Amanda at Rina matapos ipakulong ng huli ang una dahil naakusahan ito sa pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Angelo.

Mapaninindigan kaya nina Red at Eden ang kanilang pagmamahalan kahit tutol dito ang kanilang mga magulang?

Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.