
Sa ikalimang linggo ng Return To Paradise, bumiyahe si Amanda (Eula Valdes) kasama ang dalawang bangkero sa dagat papunta sa isla para hanapin ang nag-iisa niyang anak na si Eden (Elle Villanueva).
Hindi napigilan ni Amanda na maging emosyonal matapos makita si Eden at naging madamdamin ang muling pagtatagpo ng mag-ina. Samantala, nagising na si Red (Derrick Monasterio) sa ospital at muling nakapiling ang kanyang mga magulang.
Inamin naman ni Sabina (Liezel Lopez) kay Red na iniwan niya sina Eden at Raichu (Kiray Celis) sa isla upang mailigtas ang buhay ng binata noong naaksidente ito.
Muling nagtagpo ang mga landas nina Red at Eden sa tribute para kay Coach Vinluan at nais makilala ng nanay ng una ang dalaga. Labis na nagulat si Eden nang makita na ang ina ni Red ay si Rina, ang taong nagpakulong sa kanyang nanay.
Hindi pa man nakikita ni Rina si Yenyen (Elle Villanueva) ay hindi na maganda ang impresyon nito sa dalaga dahil sa mga paninirang sinabi ni Sabina. Nais naman putulin ni Eden ang ugnayang mayroon sila ni Red ngunit mariin ang pagtanggi ng binata rito.
Matapos ma-holdup ng magnanakaw, sumugod si Amanda sa bahay ni Rina at nasaksihan ni Red ang pag-aaway ng dalawa.
Hindi naman makapaniwala si Red nang makitang magkasama sina Eden at Amanda. Ano kaya ang mangyayari kina Red at Eden matapos ang mga rebelasyon tungkol sa kanilang pamilya?
Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise dito.
Return To Paradise: Amanda sails to find her daughter | Episode 21
Return To Paradise: Red finally wakes up | Episode 22
Return To Paradise: Eden meets Red's mom | Episode 23
Return To Paradise: Red is longing for his great love | Episode 24
Return To Paradise: Cutting ties with your great love | Episode 25
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.