TV

Return To Paradise: Ang pagdadalang tao ni Eden | Week 7

By Dianne Mariano

Sa ikapitong linggo ng Return To Paradise, nalaman nina Amanda (Eula Valdes) at Rina (Teresa Loyzaga) na mayroong relasyon ang kanilang mga anak na sina Eden (Elle Villanueva) at Red (Derrick Monasterio) matapos silang makita na magkasama sa isang restaurant.

Matapos ang rebelasyong ito, nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng dalawang ina.

Nahirapan naman si Eden na mag-desisyon kung sino ang kanyang pipiliin sa pagitan nina Red at ng kanyang nanay. Sa pagkikita nina Red at Eden, tuluyan nang tinapos ng dalaga ang kanilang relasyon dahil mas pinili niya ang kanyang ina.

Matapos ito, nalaman ni Eden na siya ay nagdadalang-tao at si Red ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Hinabol naman ni Eden si Red bago ito umalis patungong U.S. upang masabi ang kanyang kalagayan. Pumunta muna ang dalawa sa Punta Miguel upang sila'y mag-usap ngunit dumating din do'n ang kanilang mga magulang.

Sa pag-uusap nina Amanda at Eden, matinding galit ang naramdaman ng una dahil sa pagbubuntis ng kanyang anak at iniwan niya ito.

Ano na kaya ang mangyayari sa mag-ina? Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.

Return To Paradise: Love has to suffer between their family feuds | Episode 31

Return To Paradise: Amanda asks Eden for a tough favor | Episode 32

Return To Paradise: Eden suspects pregnancy | Episode 33

Return To Paradise: It's us against the world | Episode 34



Return To Paradise: Amanda disowns her daughter | Episode 35

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: