TV

Return To Paradise: The fall of Amanda | Week 8

By Dianne Mariano

Sa ikawalong linggo ng Return To Paradise, pumayag si Rina (Teresa Loyzaga) na kupkupin si Eden (Elle Villanueva) matapos malaman na pinalayas ang dalaga ng sarili nitong ina na si Amanda (Eula Valdes).

Humingi pa ng kapatawaran si Rina mula kay Eden dahil sa mga nangyari sa nakaraan. Lingid sa kaalaman ng lahat na nagpapanggap lamang si Rina dahil parte iyon ng kanyang plano para makaganti kay Amanda.

Nawalan naman ng malay si Eden matapos maitulak nang 'di sinasadya ni Amanda at naging kritikal ang lagay ng una. Matapos ang insidente, siniraan ni Rina si Amanda kay Eden dahil balak niyang ilayo ang dalaga sa kanyang ina bilang paghihiganti.

Kahit na nagsisisi si Amanda sa nangyaring insidente, pinili pa rin ni Eden na manatiling kasama si Red (Derrick Monasterio) dahil tingin niya ito ang makabubuti sa kanyang pagbubuntis.

Hindi naman napigilan ni Amanda na maiyak dahil inilayo sa kanya si Eden. Dinakip naman ni Zandro (Paolo Paraiso) si Amanda at dinala sa isang lugar kung saan sinaktan niya ito.

Nang dahil sa bigat ng kanyang pinagdaanan, nawala sa katinuan si Amanda. Paano kaya makababangon si Amanda mula sa mga pagpapahirap sa kanya ni Rina?

Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.

Return To Paradise: There's no way home for Eden | Episode 36

Return To Paradise: Eden finds a new home | Episode 37

Return To Paradise: Rina gets ideas from the doctor | Episode 38

Return To Paradise: Eden chooses what's best for herself | Episode 39

Return To Paradise: Amanda lost her sanity | Episode 40

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.