TV

Elle Villanueva, naka-relate raw sa ilang eksena sa 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano

Patuloy na mapapanood ang Sparkle artist at Kapuso leading lady na si Elle Villanueva sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise, kung saan gumaganap siya bilang Eden Santa Maria.

Ayon sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan, ibinahagi ni Elle na marami pang sorpresa na dapat abangan ang mga manonood sa nasabing serye. Naka-relate rin daw ang Kapuso star sa ilang eksena ng show.

PHOTO COURTESY: GMA News (Dailymotion)

“Pinalayas niya ako sa bahay. Hindi ako maka-cut noon. After no'n diretso na sa car tapos iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko siya ma-let go kasi feeling ko pinalayas talaga ako ni Ms. U [Eula Valdes].

“Siyempre noong bata tayo, 'di naman tayo perfect. May mga times na sumusuway tayo sa parents natin,” kuwento niya.

Bukod dito, tinanghal si Elle bilang isa sa pinakabagong ambassadors ng isang skin and wellness clinic at ibinahagi ng aktres ang kaniyang sikreto sa pagkakaroon ng radiant skin at fit body.

Aniya, “Four liters of water every day to flush out the toxins and then eight hours of sleep. I drink all of my vitamins.”

Mahalaga rin para kay Elle ang pagiging masayahin at kasama sa mga nagpapasaya sa kaniya ay ang mga alagang aso na sina Coco at Hachi.

“We got two dogs. Isang maltese and isang shih tzu, si Coco pati si Hachi. Mag-ama sila and I treat them like my anak. Hindi ko sila maiwan sa bahay kaya nagiging home buddy na rin ako.

"Alam mo 'yung kapag pagdating mo ng bahay tapos 'yung salubong sa'yo ng dog, sobrang warm ng greeting nila parang tuwang-tuwa sila pagdating mo. Nakakatuwa lang sila tapos all they give is love,” kuwento niya.

Panoorin ang “Chika Minute” report sa video na ito.

SAMANTALA, KILALANIN SI ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO.