TV

Award-winning actor Allen Dizon is Lucho Madrigal in 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano

Binibigyang buhay ng international award-winning actor na si Allen Dizon ang karakter bilang Lucho Madrigal sa afternoon drama series na Return To Paradise.

Si Lucho ang lalaking kakampi ni Amanda (Eula Valdes) sa kanyang paghihiganti kay Rina (Teresa Loyzaga).

Noong nakaraang linggo, matatandaan na nawala sa katinuan si Amanda matapos tuluyang malayo sa nag-iisang anak na si Eden (Elle Villanueva). Nakita naman ni Lucho si Amanda na pagala-gala sa kalsada at tila palaboy kaya tinulungan niya ito.

Inilahad naman ni Amanda kay Lucho ang lahat ng kasamaan na ginawa sa kanya ni Rina. Dahil dito, handa si Lucho na tulungan si Amanda sa kanyang planong paghihiganti kay Rina.

Kabilang sa plano ng dalawa ay ang bagong katauhan ni Amanda na si Mrs. Madrigal.


Ano kaya ang iba pang plano nina Lucho at Amanda? Abangan ang mga maiinit na tagpo sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.


SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.